Japanese Embassy, isasara ngayong araw

48

Nagpa-abiso ang Embahada ng Japan sa Pilipinas na pansamantala silang magsasara ngayong araw ng Biyernes, September 23, 2022.

Ito, ayon sa Embahada ay dahil sa deklaradong isang Holiday sa Japan ang Setyembre 23.

Ipinagdiriwang kasi sa Japan ang Autumnal Equinox Day.


Inaasahan namang magbabalik operasyon ang Embahada kinabukasan.

Ang Autumnal Equinox ay isang phenomenon sa Hilagang Hemisphere ng mundo kung saan ay mas mahaba na ang gabi kaysa sa araw.

Facebook Comments