
Parehong no show pero nagpakita naman ang mga abogado ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at dating Congressman Jing Paras.
Ito ay bilang tugon sa subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y honeytrap plot laban kaY Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon kay Atty. Gabrielle Rondain Kapunan, pinayagan daw sila na magprisinta ng ilang affidavit sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Mariin namang itinanggi ng kampo ni Leviste na sangkot ito sa sinasabing character assasination laban sa executive secretary.
Samantala, minaliit lamang ng kampo ni dating Rep. Paras ang sinasabing statement ng NBI na sinlakas ni Superman ang mga ebidensiya laban sa kongresista.
Sinabi ni Atty. Mark Tolentino, abogado ni Paras na mala-butete ang sinasabing mga pruweba ni NBI Director Melvin laban sa kaniyang kliyente at kay Rep. Leandro Leviste.
Aniya matapos niyang basahin ang affidavit ng naarestong talent manager na si alyas Ken ay wala rae ni isang magpapatunay na may nangyaring human trafficking o kung ano pa.
Naniniwala naman ang kampo ni Paras na posibleng nahilot ang apat na artista upang bumaliktad at unahan ang tunay na expose’ laban sa isang opisyal ng gobyerno.










