Wednesday, August 5, 2026

Panibagong petisyon para harangin ang P85 minimum wage hike sa Metro Manila, inihain sa Korte

Isa pang petisyon para harangin ang P85 dagdag sahod ang inihain sa korte.

Batay sa petisyon ng Alliance of Philippine Fishing Federations, hinihiling nila sa Navotas Regional Trial Court na huwag ipatupad ang umento sa sahod ng mga minimum wage earners sa Metro Manila.

Ayon sa petitioners, ito ay dahil karamihan sa kanila ay nakakaranas ng pagkalugi dulot ng sitwasyon ng ekonomiya na dadagdagan pa ng ipapatupad na wage hike.

Pinangangambahan din ng mga ito ang epekto ng P85 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa lalo’t mas malaki ito kumpara sa mga nagdaang wage hike.

Dahil dito, hiniling nila sa korte na maglabas ng status quo ante order hangga’t hindi pa nareresolba ang petisyon.

Nauna nang naglabas ng TRO ang Pasig Regional Trial Court noong July 30 para ipatigil ang implementasyon ng dagdag sahod sa NCR.

Facebook Comments