
Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na may 26 na nasawi dahil sa epekto ng sama ng panahon
Sa nasabing bilang, 16 rito ay mula sa Cordillera Region, 7 sa CALABARZON, 2 sa Region 1 at isa sa Negros Island Region.
Kabilang na rito sa naitalang nasawi ang isang pulis na sumagip sa mga kasamahan nito sa Negros Occidental .
Samantala, nakapagtala naman ng 15 indibidwal na sugatan ang PNP kung saan ang 13 dito ay mula sa CAR at ang dalawang iba pang sugatan ay mula Calabarzon habang may 2 namang naitalang nawawala sa nasabing rehiyon.
Facebook Comments










