
Dapat magsilbing aral sa mga public servant ang mga pangyayaring nakaapekto sa trabaho ng Senado.
Tugon ito ng Palasyo matapos sabihin ni Sen. Imee Marcos na dalawa lamang sa mahigit 50 priority bills ang naipasa ng Senado.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung ang madalas na pagpapalit ng liderato ang dahilan ng mababang legislative output, dapat ding alamin kung sino ang nagpasimula ng mga pagbabagong nagdulot ng kaguluhan at pagkaantala ng sesyon.
Dagdag pa niya, dapat unahin ng mga lingkod-bayan ang kapakanan ng publiko kaysa sa pansariling interes upang hindi maantala ang pagpasa ng mahahalagang batas.
Nauna nang inamin ni Senate President Win Gatchalian na bumagal ang trabaho ng Senado dahil sa sunud-sunod na pagbabago sa liderato, tatlong araw na boycott ng Minority Bloc, at impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.










