Job Fair para sa mga graduate ng TESDA related course, ikinakasa ng PESO Bacoor City

55

Naghahanda na ang PESO Bacoor City para sa October 4 job fair para sa mga graduate ng TESDA related course sa Bacoor Gymnasium.

Sa courtesy visit ng DZXL Radyo Trabaho kay Bacoor City PESO Manager Dr. Abraham Domingo de Castro, ibinahagi niya ang iba’t ibang aktibidad na ihinihahanda ng PESO.

Kabilang na rito ang linguhang mobile job fair sa mga barangay, subdivision at palengke, pagtulong sa mga kasambahay na makahanap ng trabaho at OFW na gustong magbalik bansa.


Bukod sa job fair sa Oktubre, inaasahan din ang ‘OFW on wheels’ sa Nobyembre para sa mga kababayan natin na  gustong mag-abroad at iba pang serbisyo na kailangan ng mga OFW at kanilang pamilya.

Ngayong araw ay isinagawa rin ang Trade Fair Exhibit ng BJMP kung saan ang mga produktong mabibili rito ay gawa ng mga bilanggo kung saan ang makakalap na kita rito ay magiging pondo nila.

Samantala, naging mabunga ang pag-uusap ng DZXL Radyo Trabaho at PESO Bacoor City kung saan mas napagtibay nito ang partnership ng dalawang panig.



Facebook Comments