
Dinismiss ng Quezon City Prosecutor’s Office ang inihaing reklamo ni Atty Manases Carpio, ang asawa ni Vice President Sara Duterte laban sa ilang mambabatas at mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council.
Sa 23 pahinang desisyon ng QC Prosecutors Office, sinabi nito na wala silang hurisdiksyon sa reklamo para ito ay aksyunan.
Bunga ito ng kasunduan sa pagitan ng Office of the Ombudsman at Department of Justice na may sakop sa nasabing prosecutors offi e kung saan ang isyu ay hawak na ng DOJ.
Kinontra ng mga prosecutor ang basehan na ginamit ni Atty. Carpio sa pagsasampa ng reklamo.
Diin ng piskalya, ang mga aksyon na kinukuwestyon ni Atty. Carpio tulad ng subpoena para sa mga report ng AMLC ay salig sa kanilang papel bilang opisyal ng gobyerno na may salary grade 28 pataas.
Ang reklamo ni Atty. Carpio ay kaugnay sa paglalabas ng bank transactions nilang mag-asawa ng AMLC bilang bahagi ng impeachment proceedings sa Kamara.










