
Arestado ang limang raliyista sa kasagsagan ng lighting rally sa tapat ng Grand Hyatt Hotel sa Bonifacio Global City (BGC), kahapon.
Nabatid na nagkaroon ng girian ang mga raliyista at ang mga pulis habang nagsasagawa ng aktibidad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nasabing hotel.
Ang mga raliyista ay nagtungo sa nasabing lugar para ipanawagan na huwag payagan ang Pax Silica sa bansa.
Kaugnay nito, ayon kay Philippine National Police – Public Information Office (PNP – PIO) Chief PCol. Allen Rae Co, ang mga nasabing naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ngayon ng Taguig City Police Station.
Aniya, sila ay nahaharap sa kasong Alarm and Scandal, Resistance and Disobedience to a Person in Authority, Direst Assault, Tumults and other Disturbances and Public Order, at paglabag sa Assembly Act of 1985.
Nagpapatuloy naman ang kanilang inquest proceeding sa Taguig City Prosecutor’s Office.
Samantala, nasa 16 na mga PNP Personnel naman ang naiualat na nagtamo ng minor injuries sa nasabing girian.










