Joint Communique na pinagkasunduan ng Marcos administration at National Democratic Front, suportado ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno

Sinusuportahan na iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang Communique, na napagkasunduan ng Marcos administration at ng National Democratic Front (NDF) na layuning wakasan na ang dekadang communist armed conflict sa bansa.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr., mahalagang pangyayari ito para sa mga Pilipino sa harap ng inaasaam na kapayapaan, reconciliation, at pagkakaisa.

Sa pamamagitan aniya ng joint communiqué, mayroong ilang collective positions sa pagitan ng dalawang panig na parehong committed para maisapinal ang talakayan patungkol sa final peace agreement.


Ayon naman Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., na ang hakbang na ito ay magiging basehan ng mga rebelde para itigil na ang armed struggle sa bansa.

Sa panig naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Gen. Romeo Brawner Jr., sinabi nitong good news ito para sa mga sundalo, dahil hangad ng lahat ng sundalo pangmatagalang kapayapaan.

Si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda, sinabing welcome ito sa kanilang hanay dahil ito ay hakbang para sa actual peace agreement.

Sa panig naman ni National Security Adviser Eduardo Año, sinabi niyang nanindigan ito na napapanahon nang tapusin ang limang dekada ng armed communist rebellion sa bansa.

Facebook Comments