Nakapag-comply na kompanya sa Plastic Law ngayong taon, umabot lamang sa halos isang libo — DENR

Aabot pa lamang sa halos isang libong kompanya, ang nakapag-comply sa plastic law sa ilalim ng RA 11898 o ang Extended Producer Responsibility on Plastic Packaging Waste ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones sa programang bagong Pilipinas ngayon.

Paliwanag ng opisyal, mayroong apat na libong kompanya ang nasa listahan ng Department of Trade and Industry Philippines (DTI) ngayong taon ang dapat na magcomply sa plastic law.


Pero halos isang libo pa lamang nakapag-comply dahil sa ilan aniyang dahilan.

Una, ay posibleng mas mababa pa sa apat na libo ang mga dapat mag-comply dahil hindi pa aniya nila nasasala ang apat na libong kompanya.

Pangalawa, kailangan ng resources para sa pagtalima sa plastic law dahil gagawin ang retro-fitting, recycling, at i-repurpose kaya kailangan ng teknolohiya.

Panghuli, marami sa mga kompanya ay may attitude na wait and see.

Sa ngayon, ayon sa opisyal maigting ang kanilang ginagawang Information, Education and Communication Plan (IEC) para maintidihan ng mga pribadong kompanya ang dapat nilang gawin.

Positibo naman ayon Leones, ang tugon dito ng mga kompanya.

Pagbibigay diin ni Leones, na ganitong hakbang kailangan ang tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa katunayan aniya ang Department of Finance, ay nagbibigay ng mga insentibo para mag-comply dito ang mga enterprises.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) naman ay may mahalagang papel para maresolba ang problema sa basura o plastic.

Facebook Comments