Judge pinagbabaril ng riding in tandem sa San Fernando City, patay

Patay ang isang Trial Court Judge ng Tagudin Ilocos Norte matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Mameltac San Fernando City, La Union.
Sa report ng pulisya, kinilala ang biktima na si Mario Banez, 53 anyos.
Sa imbestigasyon ng PNP San Fernando lulan ng kaniyang kotse ang biktima habang papauwi sa kanilang bahay sa San Fernando City ng bigla siyang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Tama sa ibat-ibang parte ng katawan ang natamo ng biktima na agad namang naisugod sa ospital ngunit idineklara ng dead on arrival.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa motibo ng pamamaslang sa biktima.
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments