Kaanak ng OFW na nacomatose sa Singapore nanghingi ng Tulong

51

General Santos City—Nanghingi ng Tulong sa Local Government ng Gensan at mga Ahensya ng gobyerno ang mga kaanak ng OFW na si Irene Fernando Tagnawa na residenti ng Barangay Labangal, Gensan na comatose ngayon sa bansang Singapore matapos itong inataki ng kanyang sakit.

Sa Interview ng RMN News Team sa ama ni Irene na gusto nyang ipadala ang dalawang anak nito sa Singapore para may mag-aalaga sa kanyang anak habhang itoy nasa hospital.

Sa pinakahuling report nasa ICU parin si Irene matapos itong inoperahan dahil sa Bleeding sa kanyang utak.

Napag-alaman na nangyari ang insidenti matapos na inihatid ng biktima ang kanyang amo sa isang private Hospital doon na nacomatose din matapos inataki ng kanyang sakit.

Uuwi na sana ito para maglinis sa bahay ng kanyang amo pero ng sya’y nasa bus palang bigla umano itong nawalan ng malay kaya dinala sa Changi General hospital at agad na na-operahan.

Sa ngayon may inisyal na na tulong na natanggap ang Pamilya pero kulang parin ito para sa gastusin para makarating sa Singapore ang dalawang kapatid ni Irene.

Facebook Comments