Wednesday, June 10, 2026

Malacañang, nandigang walang constitutional crisis sa gitna ng gulo sa Senate leadership

Walang umiiral na constitutional crisis sa gitna ng sigalot sa liderato ng Senado.

Ito ang iginiit ng Malacañang sa gitna patuloy na pagtatalo ng Cayetano at Gatchalian bloc kung sino ang lehitimong namumuno sa Senado at dapat mangasiwa sa mga opisyal na gawain ng mataas na kapulungan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, malinaw ang posisyon ng ehekutibo na si Acting Senate President Win Gatchalian ang kinikilala nitong lider ng mataas na kapulungan.

Giit pa ni Castro, anumang usapin o problemang may kaugnayan sa pagpapatakbo ng Senado ay dapat resolbahin ng mismong Senado at hindi ng ehekutibong sangay ng pamahalaan.

Nanawagan din ang palasyo na tapusin na ang sigalot at igalang ang kasalukuyang liderato upang makapagpatuloy ang Senado sa pagtupad ng mga tungkulin nito.

Facebook Comments