KASAMBAHAY, ARESTADO SA KASONG PAGNANAKAW

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang kasambahay dahil sa kasong pagnanakaw sa Brgy. Balagbag, Diffun, Quirino.

Ang operasyon ay isinagawa ng Diffun Police Station katuwang ang 1st Quirino Provincial Mobile Force Company (QPMFC), at Quirino Police Intelligence Unit (QPIU).

Sa isinagawang operasyon, matagumpay na inimplementa ng kapulisan ang mandamiento de aresto na may petsang ika-22 ng Enero taong kasalukuyan kung saan may inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng ₱72,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Matapos maaresto ay dinala ang suspek sa himpilan ng PNP Diffun para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa korte.

Facebook Comments