
Muling nanawagan ang mga consumer group na Kilusang TAPAT at United Filipino Consumers and Commuters o UFCC sa San Jose Del Monte City, Bulacan, na palitan na ang PrimeWater Infrastructure Corporation bilang kanilang water utility services provider.
Ito ay dahil umano sa 8 taong nang palyadong serbisyo ng kumpanya, gaya ng kakulangan sa suplay ng tubig, mahinang pressure, at iba pa, na nakakaapekto sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente.
Ayon sa mga grupo, kailangan nila ng agarang aksyon at posibleng takeover sa operasyon ng water service provider upang matiyak ang tuloy-tuloy at maaasahang serbisyo ng tubig sa kanilang lugar.
Dagdag pa rito, ay nanawagan din ang mga grupo ng mas malinaw na pananagutan, konkretong solusyon, at agarang aksyon mula sa mga kinauukulang ahensya at kumpanya.










