Tuesday, September 29, 2026

Malawakang pagbaha sa Thailand, walang pilipinong naiulat na nananatili sa temporary shelters ayon sa PH embassy

Patuloy na nakatutok ang Embahada ng Pilipinas sa Thailand sa kalagayan ng Filipino community kasunod ng matinding pag-ulan at malawakang pagbaha sa naturang bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz-Paredes, walang Pilipino ang napaulat na nananatili sa mga temporary shelter.

Agad ding nagpaabot ng pamamahagi ng inuming tubig at iba pang pangunahing pangangailangan ang Embahada upang matulungan ang mga kababayan sa gitna ng naitatalang panic buying at pagho-hoard ng pagkain sa ilang lugar.

Nilinaw naman ng Embahada na nananatiling kontrolado at hindi gaano kalala ang kabuuang sitwasyon.

Nanawagan rin ang Philippine Embassy sa mga Pilipinong nasa Thailand na manatiling alerto at agad ipagbigay-alam sa Embahada ang anomang kinakailangang tulong at suporta.

Facebook Comments