Saturday, October 31, 2026

Oportunidad na makapagpatayo ng petroleum reserve sa bansa, dapat na samantalahin ayon sa isang senador

Iminungkahi ni Senate President Sherwin Gatchalian sa Philippine National Oil Company (PNOC) na samantalahin ang pagkakataon na makapagtayo ng strategic petroleum reserves sa bansa sa pamamagitan ng posibleng pakikipagtulungan sa Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC).

Sinabi ni Gatchalian na handa ang ADNOC na sagutin ang malaking bahagi ng operational requirements para sa pasilidad kapalit ng paglalaan ng angkop na lupang pagtatayuan nito.

Aniya, maaaring gamitin ng PNOC ang mga lupang pag-aari nito para sa proyekto at hindi na dapat patagalin ang usapin dahil handa na ang ADNOC na makipagtulungan.

Kabilang aniya sa mga kondisyong nais ng ADNOC ang pagkakaroon ng karapatan ng Pilipinas sa first refusal o unang pagkakataong bumili ng nakaimbak na langis kung kakailanganin ito ng bansa.

Binigyang-diin ni Gatchalian na mahalaga ang strategic petroleum reserves para maprotektahan ang Pilipinas laban sa pagkaantala ng pandaigdigang suplay ng langis at pabago-bagong presyo ng petrolyo.

Facebook Comments