Kadiwa Store sa BPI sa Maynila, muling binuksan ngayong araw

Muling binuksan ang Kadiwa Store na matatagpuan sa tanggapan ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa Malate, Manila, ngayong araw.

Tampok ang abot kayang presyo ng mga bilihin tulad ng bigas na mabibili sa halagang P29 kada kilo at maaaring bumili ng hanggang limang kilo kada tao.

Inabisuhan naman ang mga mamimili na bagama’t limitado lamang ang suplay ng bigas na dumating kanina, inaasahan pa rin ang pagdating ng mga karagdagang suplay bago sumapit ang tanghali.


Bukod sa bigas ay nagbebenta rin ng iba’t ibang klase ng gulay, prutas, itlog at isda.

Maaaring pumunta sa pamilihan hanggang 3 PM ngayong araw at inaasahan namang tatagal ito hanggang bukas mula 7 AM hanggang 3 PM.

Facebook Comments