
Posibleng maglaan ng karagdagang pondo sa impeachment trial kung aabutin pa ito sa taong 2027.
Ayon kay Senator Ping Lacson, sa kasalukuyang takbo ng paglilitis sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte ay maaaring umabot sa unang bahagi ng 2027 ang impeachment trial.
Sinabi ni Lacson na kung umabot pa hanggang sa susunod na taon ang paglilitis ay maaari nilang talakayin sa deliberasyon ng 2027 national budget ang dagdag na pondo para rito.
Sa ganitong paraan ay makapaglalaan sila ng pondo para sa tuloy-tuloy na impeachment trial kung lalagpas pa ito sa susunod na taon.
Dagdag ni Lacson, hanggang nitong July 21 ay mayroon pang mahigit P22 million na natitirang pondo sa impeachment trial mula sa orihinal na pondo na P27.5 million sa ilalim ng continuing provisions ng 2025 budget.










