Saturday, July 25, 2026

PBBM, walang balak magpa-“loyalty check” sa militar sa kabila ng umano’y banta laban sa kanya

Nananatili ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng pagkakadawit ng ilang sundalo sa umano’y planong pagpatay sa kanya.

Ito ang tiniyak ng Malacañang matapos ihayag ni National Bureau Of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa impeachment trial na kabilang sa mga persons of interest ang ilang uniformed personnel, kasama ang ilang miyembro ng Vice Presidential Security Group.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala pang nakikitang dahilan ang Pangulo para magsagawa ng “loyalty check” dahil alam pa rin nito kung sinu-sino ang mapagkakatiwalaan.

Gayunman, sinabi ni Castro na kailangang matukoy kung may mga sundalong lalabag sa kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang Pangulo.

Nasa pamunuan aniya ng AFP ang responsibilidad na tiyaking nananatiling tapat sa kanilang mandato ang lahat ng miyembro ng militar.

Facebook Comments