7 SLP ASSOCIATIONS SA ALCALA, TUMANGGAP NG P1.4-M HALAGANG SOLAR WATER PUMPS

Mahigit P1.4 milyong halaga ng Mobile Solar Water Pumps ang ipinagkaloob sa pitong Sustainable Livelihood Program (SLP) Associations sa Alcala, Pangasinan para sa kanilang mga proyektong pangkabuhayan.

Ito ay alinsunod sa Project Convergence Budgeting na programa ng LGU kung saan pinagsama ang mga proyekto at pondo ng iba’t ibang ahensya sa bayan.

Direktang nakinabang dito ang mga miyembro ng pitong Sustainable Livelihood Program (SLP) Associations na umaasa sa sapat na suplay ng tubig para sa kanilang livelihood activities.

Ayon sa ulat, mahigit P200,000 ang halaga ng bawat solar-powered water pump.

Bukod sa pagpapalakas ng produksyon, mababawasan din umano nito ang gastusin ng mga benepisyaryo sa gasolina dahil sa paggamit ng enerhiya mula sa araw.

Dagdag pa ng LGU, praktikal umanong solusyon ang solar-powered technology sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments