Dinayo ng mga beachgoer ang dalampasigan sa Brgy. Nibaliw Vidal, San Fabian, Pangasinan noong Mayo 31, kasabay ng opisyal na pagtatapos ng Ligtas SUMVAC 2026.
Ayon sa MDRRMO, umabot sa tinatayang 30% beach capacity ang naitala sa umaga ng Mayo 31, mas mataas kumpara sa 20% noong Mayo 30.
Marami sa mga bumisita ang sinamantala ang huling araw ng SUMVAC para mag-swimming kasama ang pamilya bago matapos ang panahon ng bakasyon.
Ang naturang nationwide summer vacation security operation ay isinagawa mula Marso 29 hanggang Mayo 31.
Philippine National Police (PNP), MDRRMO at iba pang emergency responders sa mga beach, pangunahing kalsada, transport terminals at pang tourist destinations habang dagsa ang mga bakasyunista.
Kasunod ng pagtatapos ng SUMVAC, nakatakda namang magsimula ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2026–2027 sa Hunyo 8, 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








