
Nagbigay ng isang condominium unit ang National Housing Authority (NHA) sa naiwang pamilya ng nasawing Ateneo student-athlete na si Rene Baterbonia.
Ayon sa General Manager ng NHA na si Joeben Tai, ang pagbibigay nila ng unit ay simbolo ng pakikiisa at suporta ng NHA sa pagharap sa bagong yugto ng buhay ng naulilang pamilya.
Sa ulat ng NHA, personal na binisita ng ina ni Rene ang nasabing unit sa Madayaw Residences sa Davao City.
Ang nasabing condominium ay may lawak na 42 square meters, may dalawang kwarto, isang cr, at isang kusina.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya Baterbonia sa nasabing natanggap na unit.
Facebook Comments









