Wednesday, July 1, 2026

Biyahe ng ilang barko sa Luzon, apektado ng masamang panahon —PPA

Kanselado ang ilang biyahe ng mga sasakyang pandagat ngayong Miyerkules ng tanghali dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Henry.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), kabilang sa mga apektado ang limang biyahe sa Port of Puerto Galera sa ilalim ng Port Management Office (PMO) Mindoro.

Tatlong barko naman sa Palawan ang hindi rin muna pinayagang maglayag na may rutang Puerta Princesa patungong Cuyo Island at Coron to El Nido.

Wala ring biyahe ang Starhorse Shipping Lines na may rutang Port of San Andres patungong San Pascual na nasa ilalim ng PMO Marinduque at Quezon.

Facebook Comments