
Nananatiling naka-heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa epekto ng pinagsamang Low Pressure Area (LPA) at habagat na nagdudulot ng matinding pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa PCG, nakahanda na para sa deployment ang mga tauhan nila sa Coast Guard District Bicol habang nakaantabay naman ang mga search and rescue assets ng Coast Guard para sa anumang insidente sa karagatan dulot ng masamang panahon.
Patuloy naman ang pagbabantay sa lagay ng panahon at sitwasyon sa mga baybayin at pantalan para sa kaligtasan ng mga biyahero at mga komunidad.
Hinikayat ng Coast Guard ang publiko na magbantay sa mga weather advisory at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras.
Facebook Comments










