Thursday, July 2, 2026

Preliminary investigation sa isa sa estudyanteng nasa likod ng Tacloban school shooting, isasagawa na —DOJ

Sasalang na sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) ang isa sa mga menor de edad na sangkot sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Ito ang kinumpirma ni DOJ Undersecretary Ian Dato matapos ang inquest proceedings ng Tacloban City Prosecutors noong June 24.

Ayon kay Dato, 3 counts ng murder at 2 bilang ng attempted murder ang inihain laban sa isa sa Children in Conflict with the Law o CICL na tinawag niyang si “alyas Rod”.

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga menor de edad na sumasailalim sa intervention programs ng kagawaran.

Sa isyu naman ng nihilistic violent extremism sa bansa, sinabi ni DOJ Undersecretary Nicholas Felix Ty na makikipagtulungan sila sa kongreso sakaling magpasa ng batas kaugnay dito.

Ipinaliwanag ni Ty na kinakailangan dito ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya lalo’t malawak ang sakop ng isyu.

Facebook Comments