Nagsagawa ng community service activity ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan katuwang ang lokal na pamahalaan ng San Fabian sa mga residente ng mga barangay ng Cayanga, Sagud-Bahley, Poblacion at Tempra-Guilig noong Mayo 9, 2026.
Ito ay sa alinsunod sa Guiconsulta Alagang Ang Galing program na may mga serbisyong PhilHealth YAKAP registration, PhilSys registration, libreng medical consultation at pamamahagi ng gamot.
Kasama rin sa aktibidad ang PESO recruitment activity, National Skills Registration Program (NSRP) at AIRTIP campaign ng DOLE.
Bukod sa mga residente, nabigyan rin ng veterinary services ang mga alagang aso at pusa katulad ng anti-rabies vaccination.
Samantala, nakatanggap naman fruit-bearing tree at vegetable seedlings, vegetable planting materials at iba ang mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




