Kaligtasan ni Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida III, tiniyak

Manila, Philippines – Tiniyak ng Puerto Princesa PNP ang kaligtasan ni Vice Mayor Luis Marcaida III matapos itong maaresto dahil sa pag-iingat ng armas at ilegal na droga.

Ayon kay Puerto Princesa PNP Deputy Director for Administration, Supt. Ronnie Bacuel, hinihintay na lamang nila ang isusumiteng waiver ni Marcaida upang mapunta sa kanila ang kostudiya rito.

Aniya, isang high value target ang bise alkalde.


Siniguro ni Bacuel na hindi nila hahayaang matulad si Marcaida sa ibang mga opisyal na pamahalaan na napaslang.

Pero giit ng kapatid ng Vice Mayor na si Alex Marcaida – political harassment ang ginagawa sa kanyang kapatid.

Nahaharap si Marcaida sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa comprehensive dangerous drugs act

Facebook Comments