Wednesday, June 3, 2026

Pagiging disiplinado at pagtupad sa trabaho, dahilan kaya mataas ang kumpiyansa ng publiko sa mga pulis ayon sa MPD

Naniniwala si Manila Police District (MPD) Director Brig. Gen. Arnold Santiago na ang maayos at mahigpit na pagpapatupad ng disiplina sa mga pulis ang isa sa mga dahilan kaya mataas ang kumpiyansa ng publiko sa Philippine National Police (PNP).

Ang pahayag ni Santiago ay kasunod ng lumabas na survey kung saan kinilala si PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na isa sa mga top-rated government officials ng Pinas.

Matatandaan na si Gen. Nartatez Jr. ay nakakuha ng 78.8 percent Index of Governance Score, na suportado ng 78.5 trust rating at 79.1 performance rating.

Ang resulta ay bunga sa pinagtibay na public confidence sa pinaigting na pagkilos ng PNP upang mapanatili ang peace and order, pinalakas na community engagement, at magandang serbisyo publiko kasama na ang pagkilala sa mga reporma at mga inisyatibong pagbabago sa operational guideline

Nabatid na mula nang mamuno sa PNP, nakatuon si Gen. Nartatez sa pagpapalakas ng operasyon, pagpapaigting ng community policing, at pagpapatibay ng accountability sa loob ng organisasyon

Kaya’t dahill dito, sinabi ni MPD Dir. Santiago, mas paiigtingin pa nila ang mga direktiba ni PNP Chief Nartatez upang manatili ang kumpiyansa at tiwala ng publiko sa mga pulis kabilang na dito ang pagpapairal ng pagiging profesisonal at pagpupursige sa trabaho.

Facebook Comments