Wednesday, June 3, 2026

Solid Bloc 12 o bagong majority bloc ng Senado, nilinaw na hindi na senate president si Sen. Cayetano

Nilinaw ng Solid Bloc 12 o ng bagong mayorya na hindi na kinikilalang Senate President si Senator Alan Peter Cayetano.

Sa joint statement ng SB12, hindi na Senate President si Cayetano matapos na magka-quorum kanina ang sesyon kung saan 12 senador ang present at idineklarang bakante ang lahat ng posisyon kasama ang senate presidency.

Pinagbatayan ng bagong mayorya ang 1949 Supreme Court ruling na Avelino vs Cuenco kung saan nakabuo sila ng mayorya mula sa 22 senators, dahil naka-detain si Senator Jinggoy Estrada habang nagtatago naman si Senator Bato dela Rosa.

Paliwanag pa ng majority group, hindi lang maihalal na bagong Senate President si Gatchalian dahil batay sa Konstitusyon kailangan nila ng 13 boto para rito.

Samantala, nilinaw naman ni Senator Erwin Tulfo ang naunang pahayag na si Cayetano pa rin ang Senate President dahil kailangan ng 13 majority votes para mapalitan ito.

Paglilinaw ni Tulfo, bunsod ng mga nangyaring pagbabago sa liderato ng Senado, kasama sa nabakante dito ang pwesto ng Senate President.

Facebook Comments