KAMALAYAN SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN, PINAIGTING NG DOH-ILOCOS

Pinaigting ng Department of Health–Ilocos Center for Health Development o DOH-Ilocos CHD ang pagpapalawak ng kamalayan sa kalusugang pangkaisipan sa pamamagitan ng isang town hall meeting bilang bahagi ng paggunita sa Mental Health Awareness Month.

Isinagawa ang aktibidad noong Oktubre 15, 2026, sa San Fernando City, La Union, sa pangunguna ng Health Facility Development Unit at Health Promotion Unit ng ahensya.

Tinalakay nina Dr. Maricon Janelle M. Te at Ms. Ena Rika G. Sanvictores ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan at pagtutok sa emosyonal at sikolohikal na kalagayan ng bawat isa.

Binigyang-diin din sa talakayan ang kahalagahan ng paghingi ng tulong sa mga kwalipikadong propesyonal at pagbibigay ng suporta sa mga taong nakararanas ng mga hamon sa kalusugang pangkaisipan.

Sa pamamagitan ng patuloy na edukasyong pangkalusugan at pakikilahok ng komunidad, layon ng DOH-Ilocos CHD na palawakin ang pag-unawa at pagtanggap sa usapin ng mental health upang makatulong sa pagbuo ng isang komunidad na may malasakit at suporta sa isa’t isa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments