Tuesday, July 21, 2026

Kamara, bumuo na ng medical team para sa nalalapit na SONA

Bumuo na ang House of Representatives ng medical team na may 30 miyembro para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 27.

Ayon kay Dr. Jose Luis Bautista, head ng House Medical and Dental Service (MDS), naghanda na rin sila ng mga ambulansya at nakipag-ugnayan na rin ito sa ilang mga ospital para matiyak ang agarang pagtugon sakaling magkaroon ng medical emergency sa araw ng SONA.

Binanggit ni Bautista kada limang medical personnel ay itatalgaa sa bawat first-aid stations na nakapwesto sa mga estratehikong lugar sa loob at paligid ng Batasan Complex.

Bukod dito ay may dagdag ding responders mula sa Department of Health (DOH), local government units (LGUs), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at iba pang kaukulang ahensya ang ipoposte sa Batasan complex para palakasin ang pagtugon sa mga emergency operations.

Dagdag pa ni Bautista, ang inilunsad kamakailan na “Diwang Yakap” initiative naman ang mamamahala sa paglalagay ng mga wheelchairs sa loob ng Kamara para sa mga senior citizens, persons with disabilities, at iba pang guests na mangangailangan nito.

Facebook Comments