
Iniimbestigahan na ng Manila Police District (MPD) ang kumalat na text message ng mga pananakot sa ilang mga pampublikong paaralan sa Maynila.
Sa naging panayam kay MPD Spokesperson Police Maj. Philipp Ines, nakipag-ugnayan na sila sa anti-cyber crime unit, Meta Philippines at Google para malaman o matunton ang gumamit ng account.
Sinabi ni Maj. Ines na may mga precautionary measures na silang nailatag matapos matanggap ang pananakot.
Paliwanag ng opisyal, kaya may binuong gc ay para agad na matutukan ang anumang hindi inaasahan insidente sa loob at labas ng mga paaralan sa lungsod.
Sa huli, binalaan ni Maj. Ines ang mga gumagawa ng ganitong pananakot ay maaaring maharap sa kasong alarm and scandal at grave threat.
Pakiusap naman ng MPD, huwag ng ipakalat ang anumang ganitong uri ng iligal na gawain at maiging i-report agad ito sa mga kinauukulan upang agad na mapigilan at mapanagot ang mga may kasalanan.










