Wednesday, September 16, 2026

Atty. Michael Poa, mananatiling abogado at spokesperson ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial

Nilinaw ni Defense Counsel Atty. Michael Poa na mananatili itong abogado at tagapagsalita ng defense team sa Impeachment Trial na nagaganap sa Senado.

Ito ay kasunod ng pag-anunsyo kay Atty. Paolo Panelo bilang bagong tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte .

Ayon kay Poa, pagdating sa impeachment ay siya pa rin ang magiging tagapagsalita kasama ni Atty. Justin Gular lalo na sa usapin ng estratehiya.

Ayon pa kay Poa, maaari rin namang magsalita si Atty. Panelo patungkol sa opinyon nito sa nagaganap na impeachment.

Kumpyansa naman si Poa na same page sila ni Panelo sa pagsagot sa mga posibleng tanong dahil na rin nakikipagugnayan din naman umano si Panelo sa kanila.

Facebook Comments