
Ipinagmalaki ni House Prosecutor at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na bigo ang depensa na matibag ang kredibilidad ni Commission on Audit-Intelligence and Confidential Funds Audit Office (COA-ICFAO) supervising auditor Xylene Mae del Campo.
Sabi ni Ridon, nanatiling matibay ang mga testimonya ni Del Campo sa impeachment trial patungkol sa maling paggamit ni Vice President Sara Duterte ng confidential fund na may kabuuang halaga na P612.5 million.
Diin ni Ridon, malinaw sa mga inilahad ni Del Campo na nilabag ng Office of the Vice President at Deparment of Education sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara ang mga restrictions sa mga aktibidad at mga bagay na maaring pagkagastusan ng confidential funds.
Binanggit ni Ridon na bagama’t mayroon ngang surveillance activities o confidential activities na ginamitan ng confidential funds pero hindi naman sapat ang patunay na ito ay naisagawa at naging matagumpay.
Lumabas din sa paglilitis na ang evaluation and recommendation ni Del Campo ang naging daan sa pag-iisyu ng Notice of Disallowance noong Aug. 8, 2024 na sumasaklaw sa paggamit ng confidential funds ng OVP mula Dec. 21 hanggang 31, 2022.










