
Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Special Action Force (SAF) at ng lokal na pulisya ang isang lalaki sa isinagawang manhunt operation sa General Nakar, Quezon.
Kinilala ang suspek na si alyas “Tino” at Number 8 *National Most Wanted Person* na may pabuyang 150,000.00 pesos mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Nag-ugat ang nasabing manhunt sa nasabing suspek matapos nitong gawan ng kahalayan at abusuhin ang pamangkin nitong grade 6 lang noong taong 2015.
Kung saan 7 taong itinago ng biktima ang ginawa sa kanya ng kanyang tiyuhin dahil sa ito ay kanyang tinakot.
2022 nang magkaroon ng lakas ng loob ang biktima para isumbong ito sa kanyang ama kung saan dito na sinampahan ng kaso ang nasabing suspek.
Nagtago ang nasabing tiyuhin sa kabundukan ng Rizal at Quezon kung saan dito na sya nahuli ng mga awtoridad ngayong taon.
Ang nasabing suspek ay nahaharap sa 2 warrants of arrest para sa 3 counts ng kasong qualified statutory rape na walang rekomendang piyansa at 2 counts ng acts of lasciviousness na may piyansang ₱200,000.










