Friday, September 25, 2026

Davao City Mayor Baste Duterte at dating Sen. Antonio Trillanes IV, parehong pinahaharap sa impeachment trial sa susunod na linggo

Parehong pinahaharap ng Senate Impeachment Court sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo sina Davao City Mayor Sebastian Duterte at dating Senator Antonio Trillanes IV.

Sa inilabas na schedule para sa mga testigo ng prosekusyon, sa September 28 hanggang 29 pinahaharap si Mayor Baste habang sa September 28 hanggang 30 naman pinahaharap si Trillanes.

Naipadala na ang subpoena kay Mayor Duterte habang hiniling na ng prosecution team ang pagpapa-subpoena kay Trillanes.

Ang dalawa ay nasa listahan ng mga testigo ng prosecution team at sila ay hihingan ng testimonya tungkol sa Article 2 o ang hindi maipaliwanag na yaman ni VP Duterte at ang hindi tamang pagdedeklara ng Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng bise.

Ayon naman kay Trillanes, posibleng sa Martes, September 29, siya haharap sa paglilitis at inaasahan niyang matatanggap ngayong araw ang subpoena.

Sa Lunes aniya ay pupunta na siya sa Senado bagama’t inabisuhan na siya ng prosekusyon na posibleng sa Martes pa siya maisalang sa witness stand.

Kung matatandaan si Trillianes ang nagsiwalat ukol sa umano’y mga tagong bank transactions VP Sara na aabot sa daang-milyong piso ang halaga bagay na nakumpirma sa mga records ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Facebook Comments