
Kinwestyon ni Senator Imee Marcos ang holdover capacity ni Department of Public Works and Highways DPWH Secretary Vince Dizon sa gitna ng pagtalakay sa 2027 budget ng ahensya.
Ito ay dahil nag-expire na ang holdover capacity ni Dizon bilang acting Secretary ng DPWH matapos itong ma-reappoint noong September 1, 2025.
Tinukoy ni Sen. Imee na sa ilalim ng Section 17, Book 3 ng Administrative Code of 1987, malinaw na isang taon lang ang limit sa paggamit ng acting appointments upang hindi maabuso na hindi na dumaan sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments.
Punto pa ng senadora, lumalabas na overacting na si Dizon dahil nag-lapse na ang kanyang reappointment noong September 1, 2026 at overdue na siya ng 24 na araw.
Nang tanungin ni Sen. Imee si Dizon kung bakit ito nasa pagdinig, tugon ni Dizon dahil siguro hindi pa siya sinisibak sa pwesto.
Diretsahang sinabi pa ni Dizon na musika sa kanyang pandinig ang sinasabi ng senadora dahil ayaw na rin niya sa DPWH at masaya niyang tatanggapin kung maalis na siya bilang kalihim ng ahensya.










