Kampo ni Senator Manny Pacquiao, tiniyak na mananatiling pangulo ng partido ang senador

723

Tiniyak ng kampo ni Senator Manny Pacquiao na mananatili itong pangulo ng Partido Demokratikong Pilipino– Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Kasunod ito ng ginanap na National Assembly ng PDP-Laban sa Cebu na bagama’t hindi aprubado ni Pacquiao ay may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte na dinaluhan ng mahigit 100 lider at kasapi ng partido.


Ayon kay Ron Munsayac, National Executive Director ng PDP-Laban, hindi magbibitiw si Pacquiao at kumpiyansa itong hindi patatalsikin ang senador ng mga kasapi ng partido na napamahal na rin si Pacquiao.

Tiniyak din ni Munsayac na matatag ang liderato at tiwala ito sa suporta ng mahigit 100 kasapi ng partido.

Hindi naman makukwestyon ang pamumuno ni Pacquiao sa partido dahil sumusunod ito sa party constitution.

Sa ngayon, nanawagan na ng pagpupulong si Pacquiao kay Pangulong Duterte upang pag-usapan ang umano’y hindi pagkakaintindihan sa partido.



Facebook Comments