
Ibinaba na ng Philippine National Police (PNP) ang alert status nito sa Heightened Alert Status sa lahat ng mga opisina at units nito sa buong bansa.
Ang nasabing alert status ay epektibo kahapon, May 14 ng alas-5 ng hapon.
Ang nasabing pagbabago ng alerto ay dahil sa naging assessment sa siwatsyon ng seguridad sa Senado.
Nabatid na itinaas noong Miyerkules, May 13, sa Full Alert ang buong hanay ng PNP para tiyakin ang seguridad at presensya ng mga kapulisan sa loob at labas ng Senado kasunod ng naiulat na insidente ng mga putok ng baril.
Tiniyak naman ng PNP na patuloy nitong pananatilihin ang kahandaan at nararapat na seguridad para masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng publiko.
Facebook Comments









