Monday, August 24, 2026

Kampo ni VP Sara, tinawag na fake news ang ulat na gusto umanong makipag-usap ni VPSD kay PBBM

Tinawag na fake news ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang ulat na gusto umanong makipag-usap ng bise kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng kanyang impeachment trial.

Ayon kay Defense Counsel Atty. Michael Poa, nang nakausap nito si VP Sara ay binanggit nya ang nasabing ulat kung saan pumayag ito na diretsahang sabihin sa publiko na ito ay isang fake news lamang.

Ayon pa kay Poa, hindi ito nalalayo sa mga ulat din na kumalat noon na sya umano at ang ibang tao sa defense ay nambato ng laptop at iba pa.

Panawagan ni Poa sa publiko,maging mapagmatyag sa social media at hanapin lamang ang mga lehitimong sources para maiwasan ang fake news.

Facebook Comments