
Nagkilos-protesta ang grupong Kadamay at iba pang consumer group sa harap ng Kamara de Representante sa Batasan, Quezon City ngayong Miyerkules ng umaga, August 4.
Kasabay ito ng nakatakdang congressional inquiry sa patuloy na pagtaas ng singil ng kuryente ng Meralco sa mga konsyumer.
Giit ng grupo, mistulang sa mga konsyumer umano sinisingil ng Meralco ang mga bayarin na hindi naman umano dapat sa mga ordinaryong Pilipino ipinapasa.
Panawagan ng mga grupo, ibasura na ang EPIRA Law, tanggalin ang VAT sa kuryente, at tugunan ang iba pang isyu na may kaugnayan sa patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco.
Facebook Comments










