Monday, August 10, 2026

Bilang ng naiulat na nasawi dahil sa epekto ng pinalakas na habagat at mga bagyo, umabot na sa 8 — NDRRMC

COURTESY: DOST-PAGASA

Umabot na sa walong indibidwal ang naiulat na nasawi dahil sa epekto ng Bagyong Luis, Maymay at pinalakas na Southwest Moonsoon o ng habagat ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa bilang na ito, dalawa ang naiulat na nasawi sa Rizal dahil sa rockslide, dalawa sa Batangas dahil sa pagkalunod at pagkakakuryente, dalawa sa Benguet dahil sa landslide at dalawa rin sa La Union dahil pa rin sa pagguho ng lupa, pagkakakuryente at pagkalunod.

Samantala, may isa namang naitalang nawawala sa Batangas at pito ang sugatan sa Benguet dulot ng landslide at aksidente sa sasakyan.

Aabot naman sa 124,000 na pamilya o katumbas 486,000 na indibidwal ang naiulat na naapektuhan ng nasabing mga bagyo at ng hanging habagat.

Kung saan ito ay mula sa mga rehiyon ng Region 1, 2, 3, 5, 6, 9, MIMAROPA, CALABARZON, Cordillera Administrative Region (CAR).

Facebook Comments