Monday, August 10, 2026

PBBM, ipinag-utos ang heightened alert sa mga ahensiya dahil sa habagat

COURTESY: Brian Dalilis/Facebook

Naka-heightened alert ang mga concerned government agencies sa epekto ng habagat, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mino-monitor ng pangulo ang mga lugar na madaling bahain at ang pagtaas ng tubig sa mga dam at reservoir.

Inatasan din niya ang mga ahensiya na mahigpit na mag-coordinate sa pagpapakawala ng tubig at agad na gumawa ng mga hakbang para maprotektahan ang mga komunidad at mahahalagang pasilidad.

Namamahagi na rin ng food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang nasa evacuation centers.

Batay sa datos, nasa higit 200,000 pamilya na ang apektado ng habagat hanggang Linggo ng gabi.

Facebook Comments