Friday, August 7, 2026

Usec. Castro, pumalag sa banat ni VP Sara tungkol sa propesyunalismo

Ang pagiging propesyonal ay nasusukat sa gawa at hindi lamang sa salita.

Ito ang tugon ni Palace Press Officer Claire Castro matapos sabihin ni Vice President Sara Duterte na dapat siyang maging propesyonal sa kanyang pananalita bilang tagapagsalita ng pangulo.

Ayon kay Castro, mandato niyang ipabatid sa publiko ang mga programa ng pangulo at ng administrasyon, gayundin ang ituwid ang maling impormasyon at sagutin ang mga aniya’y walang basehang akusasyon laban sa pangulo at sa pamahalaan.

Dagdag pa ni Castro, sa halip na tugunan ang mga isyung kanyang inilalahad, mas pinipili umano ni VP Sara ang personal na pag-atake.

Iginiit din ni Castro na marami umanong katangian ng isang lider ang hindi naipapakita ng bise presidente.

Facebook Comments