Kartel sa sibuyas, posible ayon sa DA

Sinang-ayunan ng Department of Agriculture (DA) ang naging pahayag ni Senator Cynthia Villar na posibleng may kartel ng sibuyas sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez na hindi malabong may nangyayaring kartel dahil kahit bumaba na ang farm gate price ng sibuyas ay napakataas pa rin ng presyo nito pagdating sa mga pamilihan.

Tiniyak naman ni Estoperez na tuloy-tuloy ang pagbabantay ng ahensya katuwang ang Bureau of Customs laban sa smuggling ng sibuyas.


Balak din aniya ng DA na hingin ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para mahuli ang mga iligal na nagbebenta ng sibuyas online.

Facebook Comments