Saturday, August 1, 2026

3 Filipino seafearers, patay sa nangyaring tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia sa Northern Black Sea; 1, pinaghahanap pa

Kinumpirma ni Department of Migrant Workers o DMW Secretary Hans Leo Cacdac na 17 barko lulan ang 236 Filipino Seafearers umano ang nadamay sa tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia sa Northern Black Sea.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni Cacdac na 217 umano sa mga seafearers ang naitalang ligtas, 15 ang sugatan, tatlo ang patay, at isa ang pinaghahanap pa.

Samantala, naibalik naman na umano sa Pilipinas ang 89 sa 236 Filipino seafearers, habang ang iba naman ay naibaba na sa Ukrainian mainland, Romania, Greece, at Turkey.

Dagdag pa rito, personal umanong binisita ni Cacdac ang naiwang pamilya ng tatlong seafearers na namatay, at isang pinaghahanap pa, para magpaabot ng pakikiramay at nangakong magbibigay ng tulong at suporta ang pamahalaan.

Kasalukuyan na rin umanong isinasaayos ang pagpapabalik sa bansa ng mga labi ng tatlong nasawing Filipino seafearers.

Sa kabilang banda, nagpapatuloy naman umano ang repatriation operation ng departamento.

Facebook Comments