
Nagbabala ang Malacañang na posibleng gayahin ng iba pang nakakulong na propesyunal kung papayagang makalahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sina Senador Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada.
Ito ang naging tugon ng Palasyo sa manifestation na inihain ni Marcoleta sa impeachment court upang payagang makibahagi sila sa paglilitis.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kapag pinayagan ang dalawang senador na gampanan ang kanilang tungkulin habang nakakulong, maaari ring humiling ng kaparehong pribilehiyo ang iba pang propesyunal na nasa kustodiya.
Binanggit din ni Castro na nauna nang tinanggihan ng Sandiganbayan ang hiling ni Estrada na mabigyan ng “virtual freedom.”
Nasa Sandiganbayan aniya ang pagpapasya sa usapin dahil ito ang may hurisdiksyon sa mga nakakulong na senador.










