
Handa si Manila City Mayor Isko Moreno na ipasara ang sikat na fusion alley sa Sampaloc, Maynila.
Ayon kay Yorme Isko, hindi siya magdadalawang isip na gawin ito kung lolobo ang magrereklamo sa nasabing street food hub.
Nabatid na ilang mga residente sa Delos Reyes Street sa Sampaloc kung nasaan ang Fusion Alley ang nagrereklamo dahil sa hindi umano’y maayos na patakaran sa kalinisan.
Giit ng alkalde na kung hindi susunod ang mga may-ari ng stall sa isyu ng kalinisan handa niyang ipag-utos ang pagsasara nito kung saan hinihikayat niya ang mga residente na magpadala ng sulat sa kaniyang tanggapan.
Pero paliwanag naman ni Mayor Isko, dahil sa Fusion Alley, ilan sa mga maliliit na negosyante sa Maynila ay umunlad at lumakas ang kita.
Magkaganoon pa man, ang makakabuti sa nakararami pa rin ang susundin ng lokal na pamahalaan ng Maynila lalo na kung sa tingin ng lahat ay hindi na tama at kaaya-aya ang pagpapatupad ng pagne-negoayo sa lungsod.










