Kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo, mas mataas ng 43%

Mula Nobyembre 7 hanggang 13, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 9,069 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay may katumbas na average na kaso kada araw na 1,296 kung saan mas mataas ng 43% kumpara sa mga kaso noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 6.

Sa mga bagong kaso, anim sa mga ito ang nasa malubha at kritikal na kalagayan.


113 naman na COVID patients ang binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.

Facebook Comments